Wednesday, 17 August 2022

 "Patawad-Moira"

Paano nalimutan ang lahatNa kahit konti, walang pasabi?Paano nalimutang banggitinNa nagbago pala ang pagtingin?
Oh, oh-oh-oh-oh-ohOh, oh-oh-oh-oh-oh
Wala na rin naman kahit na balikanWala na ang tamis nung ika'y nahagkanAt sa huling paalam, naintindihanNa sa ating dalawa, may ibang nakalaan
Paanong burahin ang sandalingNaiguhit sa panaginip?At kung sa paggising, ikaw pa rinAng nasa isip, hindi maitanggi
Oh, oh-oh-oh-oh-ohOh, oh-oh-oh-oh-oh
Wala na rin naman kahit na balikanWala na ang tamis no'ng ika'y nahagkanAt sa huling paalam, naintindihanNa sa ating dalawa, may ibang nakalaan
PatawadPaalamPatawad, paalam
Patawad kung ikaw ay aking nasaktanHindi ko nabigay ang iyong kailanganAt ang huling pangakong maibibigayNa sa ating dalawa ay wala nang sisihanPatawad, paalam sa ating nakaraan

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi D,

Kamusta ka na kaya?
Siguro ay masaya ka na ngayon. Sana naman nahanap mo na ang katahimikan at kaligayahang matagal mo ng nais. nung huling sumulat ako sa iyo dito, ang nais ko lang ay makalaya. Makakawala sa masakit na nakaraan.

Pero sa pagtagal, hindi ko sinasadyang makalimot, mawala ang nararamdaman, yung pagmamahal.
Nakalimutan kong lumingon pa pabalik. Noon, ang nainais ko lamang ay makawala sa bigat ng nararamdama ngunit di ko inaasahang makakawala ako sa lahat.

Natatandaan ko pa ang pangako kong maaaring hindi sa atin ang panahong ito ngunit sa susunod na habang buhay, ay ilalaban na kita. Ngunit sa ngayon, tingin ko'y ito ay malabo na. Mahirap man aminin, pero may dumating kasing taong pinunuan lahat ng pinagdamot mo sa akin. Pumuno sa laat ng kulang at wala sa akin. taong kaya akong tanggapin ng buo at hindi para ikahiya sa kahit kanino.

Na kahit naman siguro sino, kung makikilala rin ang ganitong tao, malamang ay hahangarin ding sya pa rin sa susunod na buhay.

Patawad kung sa susunod na habang buhay ay iba na rin ang ninanais kong titigan.
Patawad sa mga pangakong hindi ko na matutupad pa.
Patawad sa masasakit na salita na aking nabitawan, patawad sa lahat ng hindi ko naibigay.

Sa ngayon ay hindi na ako umaasang mapapatunayang totoo ka, o totoo ang lahat. Mas madai kasing isipin na lahat ay panaginip lang. Mas makatotohanan kung itoy panaginip lang na alam ko na kahit kaialan ay magiging hanggang doon lang.

Na kung sakali mang kailanganin mo ako sa kahit anong paraan, sanay wag kang magatubiling makipagusap. Nawala man ang espesyal kong naararamdaman para sayo, para sa akin ikay akin pa ring kaibigan. 

Magpasa hanggang ngayon ay hangad ko ang iyong kaligayahan. Mag iingat kang parati.