Its been a while. And here's me. Nagbabalik.
Nagbabalik hindi para kumalimot pero para magpalaya. Hindi ng ibang tao kungdi ng akin sarili.
Sariling isang taon ng nakakulong sa pagmamahal na kahit kailan ay di masusuklian.
Sa pagmamahal na kahit kailan ay hindi makikita at mabibigyan ng halaga
Sa isang buong taon at panahong nasabi ko sa sarili kong mahal ko sya,
hindi ko naman maitatanggi na ako'y napasaya nya.
Na tinuruan nya akong tumingin sa mga bagay bagay sa bang persepsyon at pananaw.
Sya ang naging bituin ko sa mga gabing walang kasing dilim ang buhay ko.
Sya ang aking naging pahinga, sa mundong ito na punong puno ng pagod at pagkalito.
Ngunit, sadyang may mga tao na dadaan lang sa buhay natin.
Upang turuan tayo at iparanas sa atin ang MAGMAHAL at MASAKTAN.
Pero ayos lang, dapat pa rin nating ipagpasalamat ang pagdating at pag alis nila.
Aminin man natin o hindi, na noong panahong silay andyan,
ang buhay natin ay walang kasing saya.
Oo, may mga away, tamppuhan.
Pero sa paglubog ng araw, ssa piling pa rin nila tayo makakapagpahinga.
At makakatakas sa mundong masalimuot at napakagulo.
Hanggang sa huling letra na isusulat ko ito, ako'y magpapasalamat sa Panginoon,
Sa pagpapahiram nya sayo,
Hi D,
You may not be able to like this but. I just wanna say thank you for everything.
Ayaw kitang isuko, kahit pa bilang kaibigan lang. Pero ikaw na yung sumuko at bumitaw.
Wala naman akong magagawa knng masyadong masama yung tingin mo sakin for hurting you.
I understand. I totally understand. Maraming salamat sa isang taon na hinayaan mo akong mahalin ka.
Maraming salamat sa lahat ng masasayang ala ala.
At this day, exactly on my birthday, exactly a year when I realized that I am inlove with you,
I need to let go not you but my heart that beats for you. I need to let myself go,
for me to be able to live again. To learn how to breath again, alone.
And if ever the time comes that you will need me, as your friend,
I am just here, always here for you. You know where to find me o to reach me.
Maraming maraming salamat sa lahat.
Just remember that you will always have a special place in my heart.
Always take care okay? Laban lang parati.
Gaya ng sinasabi ko, baka sakali, sa susunod na habang buhay,
na ako ay para sa iyo na at ika'y para na sa akin, hindi na kita papakawalan pa.
Hanggang sa muli, kung gugustuhin man ng nasa taas na pagkrusin ang mga landas natin,
ay ikatutuwa at ikakapagpasalamat ko iyon.
Salamat sa lahat. Paalam.
Mahal kita,
A. 05.01.2021